ebook img

Diary ng Panget SEASON 1 PDF

599 Pages·2012·2.58 MB·Tagalog
by  
Save to my drive
Quick download
Download
Most books are stored in the elastic cloud where traffic is expensive. For this reason, we have a limit on daily download.

Preview Diary ng Panget SEASON 1

FOREWORD: Ang storyang ito ay i-e-edit ko ng WAGAS sa December 2012. (Pag lumuwag luwag ang oras ko) Alam kong maraming mali at nakalimutang plot (dahil balasubas yung authors, basta na lang magtype, makakalimutin pa, lola na XD) at marami ring typos at grammar errors. Kaya pagtyagaan niyo na ang patae taeng storya na ito sa pansamantala. Promise, sa December 2012 aayusin ko ito. (Kung may pag-asang maayos XDDDD) Diary ng Panget SEASON 1 Written by HaveYouSeenThisGirL (Denny) PROLOGUE Mahirap maging maganda Bawat galaw mo tinitignan nila. Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanilang mga mata. Ang mahirap pa, pag gusto mong mangulangot kahit patago... Hindi mo magawa. Mahirap maging matalino Kelangan lahat alam mo.Lahat itatanong sayo. Lahat gusto mong alamin. Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover. Mahirap maging sikat Lahat sinusundan ka. Kahit saan ka magpunta, andyan sila. Sa flash pa lang ng camera nila, hindi na kelangan pa ng ilaw sa gabi. Wala ka ng privacy. Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin. Mahirap maging mayaman Lahat nakadikit sayo. Lahat nakaasa sayo. Lahat umuungot sayo. Lahat gusto magpalibre. Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan. --------------------------- Dear Diary, Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na lang panget ako. -Eya PS. joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench. Diary ng Panget written by HaveYouSeenThisGirL property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com // Introduction *Here we go, come with me There's a world out there that we should see Take my hand, close your eyes With you right here, I'm a rocketeer* "Oh please, another 5 minutes." yung unang niyayakap ko nilagay ko sa tenga ko at binaon ang mukha ko sa unang pinapatungan ng ulo ko. *Let's fly Up, up here we go Up, up here we go Let's fly Up, up here we go, go Where we stop nobody knows, knows* "Uggh! Five minutes, five minutes lang!" inabot ko yung alarm clock ko sa bedside table ko at pinatay ang alarm nito. Astig ng alarm clock ko nuh? May ringing tone, napalanunan ko lang yan sa isang raffle draw sa supermarket. :D Pabalik na sana ako sa mahimbing na tulog ko nang may isang halimaw na kumatok. "Hoy Rodriguez, second week of June na! Yung bayad mo sa rent! 1week delay ka na ah!" shet, eto nanaman sa singilan ng rent. Ang kulit naman ng landlord namin, sinabi ko na ngang hindi pa ako makakabayad dahil sa delay rin yung sweldo ko! "Hoy aba! Rodriguez, alam kong andyan ka pa! Buksan mo 'tong pinto at magbayad ka na ng rent mo!" Hindi ko sya pinansin at hinayaan ko na lang syang magkakatok at sumigaw sa may pinto ko habang ako naman ay nagbibihis na ng uniform ko at binuksan ko na ang bintana ko, tumalon ako mula sa second floor. Oops, hindi po ako si superman. Kinaya kong tumalon mula sa ikalawang palapag dahil sa ang apartment ko ay hindi naman ganun kataasan kahit pa nasa second floor sya. Saka sanay na akong tumalon dito para tumakas sa singilan. Mala-spiderman ba, patalon talon na lang. Haay, pasukan nanaman. Shet naman oh, hindi ko alam kung anong meron sa bago kong school. Alam nyo ba kung saan ako papasok? Sa Willford Academy, sounds sosy right? Well, school talaga kasi sya ng mayayaman. Ang sabi, school sya ng mga anak ng mga sikat na personalities or mga models sila or actors. Pero wag nyong isipin na mayaman ako, sikat ako at maganda ako. I'm the total opposite, as in X & Y ang situation. "All freshmens please proceed to the gymnasium. All freshmens please proceed to the gymnasium." "Sakto lang pala ang dating ko, magsisimula na ang opening ceremony." naglalakad na ako on my way sa gymnasium, medyo masikip ang daan since halos lahat ng estudyante ay patungo sa gymnasium kaya naman bigla akong nadanggil ng isang babae. "Err, ano ba! Look where you're going nga!" sabay inirapan ako. I expected this, ini-expect ko na na ganto ang mga estudyante dito-- mga mapangmata at mapagmataas. Afterall, they are spoiled rich brats. Sa loob ng gymnasium, nakaupo na ako sa assigned seat ko. May numbers kasi ang bawat upuan at may assigned numbers na according sa names. Medyo bandang dulo ako since "R" ang start ng surname ko. "And that ends my speech. Now, I would like to present to all of you this year's student council president. Let's give a warm of applause to Mr. Cross Sandford!" Nagpalakpakan at nakipalakpak na lang din ako, sa totoo lang nabobored na ako dito sa opening ceremony na 'to. Ang nakakainis pa, ang landi landi nitong dalwang katabi ko. "Oh gosh, sabi ko na nga ba si Prince Cross ang student council president natin eh! He's so smart talaga at ang gwapo pa, so perfect!" "Oo nga eh, oh Prince Cross, marry me!" "Stupid. He'll marry me." "No, he'll not. He'll marry me." Tae. He'll marry a horse so you two should shut up. Asar oh. Ano 'to anime? Pinagkakaguluhan nila ang isang SC president? Tinignan ko yung Cross na nagsasalita dun sa unahan, hmm... May itsura, I can't deny na he's handsome. What to expect diba? Puro models ang nandito sa school na ito so puro magaganda at gwapo talaga dito. Pero he looks arrogant or maybe it's because he's rich. I think rich people kasi are arrogant, view in life ko eh. "That's all, thank you." another palakpakan nanaman habang bumababa sya ng stage pagkatapos ng speech niyang hindi ko na inabalang pakinggan. After that may mga speeches echos pa ulit na sobrang boring, natapos yung ceremony after an hour. Pinapunta na kami sa mga kanya kanyang klase. 1B ako, umupo ako sa pinakasulok sa tabi ng bintana. Walang napansin sakin, if ever meron man, kinikilatis lang nila ako. Titignan nila ako ng masama, or may pandidiri tapos tatawa sila. O sige na, sorry naman kung panget ako noh? Sorry ha? Geez. Dumating na yung teacher namin at katulad ng kinagawian pag first day of class, pupunta kami isa isa sa unahan para magpakilala na sobrang hate na hate ko. "Hi. I'm Reah Rodriguez, Eya for short. That's all." tapos na ako sa pagpapakilala at aalis na sana kaso may biglang nagtanong. "Excuse me," tumigil ako sa paglalakad at tinignan yung babaeng nagsalita, may pandidiri sa mukha nya, "Why are you ugly?" "Ang ganda mo kasi." I smiled at her at bumalik na sa upuan ko. Unang una palang, expect ko ng tatawagin akong pangit na syang sanay nanaman ako. Pangit naman talaga ako, malapad ang noo, maliit ang ilong na hindi naman matangos pero hindi sobrang pango, chapped lips, may pimples, dry ang balat, sabog ang buhok at pandakekoy. O diba, panget? Pero pagbalik ko sa upuan ko, may isa nanamang nagtanong sakin,"How come you're enrolled to this school, I'm pretty sure you're not a model and if you're not a model then you're not qualified to the school's qualifications." "I don't know either." I just said that to end up the conversation. Actually, model ako pero ayokong sabihin sa kanila kung ano minomodel ko. Sobrang nakakahiya kasi. As in. Last period na, Self Motivation Class na. Yes, sa wakas matatapos na ang klase! "Okay guys, before I leave you, I want to give each of you a diary to write on." After that, commotions followed, "What?! That's so gay, maam." "Baduy." "Urgh. Works." "Geez, what are blogs for?" "Old age much?" "Diary? Ano tayo, elementary?" "Hey, hey. You, sit down. Sssh. Quiet." nagsiayos na sila ng upo at tumahimik, "This diary is your final requirement at the end of the school year. Without compiling this, I'll mark you a good 70 in your card. Now, we don't want to fail right? So be good, and write on your diaries." She starts to pass the diaries in each one of us. The diaries are all different by designs. The one I received was a spiral notebook, with light brown background with leaves, flowers and spring birds on it and also butterflies. I find it cute and comfortable to write on. I feel excited to fill up this tuloy! I've never touched a diary kasi in my life. When the bell rings, inayos ko na yung gamit ko tapos sinakbit ang backpack ko sa likod at nagsimula ng maglakad sa corridor habang hawak hawak ko pa rin ang diary, natutuwa kasi akong buklat buklatin ito tapos inaamoy ko pa yung pages. I love the smell of notebooks and books kasi eh, habit ko ng amuyin sila lalo na pag luma na ito. "Excuse me, miss." napatigil ako sa paglalakad at pagaamoy sa notebook ng biglang may humarang sa harapan ko. Isang nilalang na ubod ng gwapo, napapaligiran ng aurang nakakahumaling, nakakaadik na amoy nya, at yung ngiti nya nakakapanlaglag ng panty. Napatunganga ako sa kinatatayuan ko dahilan para i-wave nya yung kamay nya sa harapan ko, "Ah miss, excuse me? Hello?" I snap back, "Ah! Ano yun?" Tae. Mukha lang akong tanga kanina sa pagtitig sa kanya. Shet. I almost drooled at him, that's so embarrassing. Lumalandi ako masyado. >_< "Pede bang itanong kung anong oras na?" "Oras na para mahalin mo ako..." wala sa sarili kong sinagot ang tanong nya. "HA?!" "Ay gaga. Wala, sabi ko 5.07 na." sabay takbo ko paalis sa sobrang hiya ko. Sinabi ko ba talaga yung mga salitang yun? OMG. ------------------- Dear Diary, First day ko sa Willford Academy. School ng mga model. Maraming antipatiko. Pero shet lang, kanina sa corridor may nameet akong nilalang na naguumapaw sa kagwapuhan. Nakakakilig kasi tinanong nya sakin ang oras kaso tae naman, palpak yung sagot ko. Nakakahiya! Pero ang pogi nya talaga! - Eya ps. anlandi ko ngayon nakakahawa ang kalandian ng mga estudyante dito infairness --------------------------------- Diary ng Panget written by HaveYouSeenThisGirL property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com ENTRY // 1 "Eya, table # 7!" "Eto na, saglit lang!" sigaw ko sa counter habang nasa loob ako ng staff room at nagtatali ng buhok. Andito ako sa part time ko ngayon, part time bilang isang waiter sa kilalang restaurant ng tito at tita ko. Part time na walang sweldo. Well, may sweldo pero ang sweldo ay pinangako nila sakin na sila lahat ang magbabayad ng expenses ko sa school which is actually a little bit unfair. Scholar kasi ako sa school which means wala ng problema sa tuition ko at allowance, ang babayaran na lang ng tito at tita ko ay yung mga miscellaneous fees. Pero pumayag na rin ako sa deal na yun since libre na ang lunch at dinner ko dito sa restaurant nila. Ang pinoproblema ko na lang madalas sa sarili ko ay ang pambayad ko sa rent, bills at unexpected fees such as medicines since wala naman akong kinikitang pera dito sa part time na 'to. Minsan kumukuha na lang ako ng mga small work para kumita ng pera, pero hindi po ako nagtutulak ng drugs or nag-aabort whatsoever, matino naman yung mga kinukuha kong small works. For example, ako yung nagtututor sa anak ng kapitbahay ko everytime may mga tests sila o kaya ako yung naglalaba ng damit nila. Wala na akong parents, namatay sila when I was 10 and since then ako na yung nag-alaga sa sarili ko. Wala kasing kumupkop na kamag-anak sakin dahil ayaw nila ng pabigat, pero dahil sa kapatid ng mama ko si tita hinayaan nila akong pagtrabahuhin dito sa restaurant nila at sila na ang nagasikaso sa pag-aaral ko. Pero hindi rin ako masaya sa ginawa nilang pagkupkop sakin, parang hindi rin kasi kamag-anak ang turing nila sakin, parang pabigat lang din. Nakakaasar kumbaga. Tsk. Pede na akong umiyak, andrama ng buhay ko. Bukas makalawa, nasa MMK na ang storya ko. Ajujuju. De joke lang, di ko iniyakan mga bagay na tulad nun. Walang mangyayari sa buhay ko kung magda-drama at magpapaka-emo lang ako. "Hoy Eya, ang tagal mo aba! Kunin mo na yung order nung table number 7!" "Opo! Opo! Andyan na nga po!" lumabas na ako ng staff room, secretly making faces, kinuha ko na yung notebook at paper na pagsusulatan ko ng order at nagdiretso na sa table number 7. Palapit na ako sa table at nakita kong isang lalaking nakatalikod mula sakin at isang babae ang nandun, couples ata. Maganda yung babae, mahaba ang buhok na kulot na color auburn. Maputi sya, matangos ang ilong, may cleft chin sya tapos ang pula ng malalaman nyang lips. Color blue ang mga mata nya, absolutely foreign. "Goodevening maam and sir, may I take your orders please?" nakasmile kong bati sa kanila pagdating ko sa table nila pero nabigla na lang ako sa nakita ko. "Wait, you look familiar..." tinuro ako nung guy, sya yung "oras guy", sya yung nagtanong sakin nung isang araw kung anong oras na pero katangahan naman yung sinagot ko. Shet. Taken na sya? Aaaw. /sad face Pero taken man sya o hindi, as if naman mapapansin nya ako diba? Sino ba naman papatol sa katulad kong long lost sister ni Shrek? "D'you know her, Chad?" pagtatanong nung pretty girl, she has a very melodic voice and an awesome British accent. Wait, his name is Chad? Oh gosh, so masculine and so handsome. (>_<)/♥ "Err... I don't know..." medyo parang nadisappoint ako sa sinabi nya, he doesn't know which means he doesn't remember me. Pero drama ko lang yun, expect ko naman na hindi nya na maalala 'tong pagmumukha kong 'to except kung natrauma sya sa kapangitan ko. "Ah! I know! I remember, siya yung girl from Willford Academy... Yung kanina, nagstop kasi yung time sa orasan ko and I didn't know kung anong oras na and I was worried kasi may dinner date tayo then I saw her sa corridor... she's the one I asked for the time then you," tumingin sya sakin,"You answered me---" "Ahh! I need to get your orders now, I can't talk to customers. Please give me your orders." natatarantang sabi ko dahil ayaw kong ituloy yung sasabihin nya. Nakakahiya baka marinig nitong kadate nya, tsaka ayaw ko na rin maalala yung katangahang sinabi ko that day. "Oh," he smiled! So cute... "I'll take roasted beet salad." "Roasted Beet Salad..." I murmur as I jot it down on my notebook, then I look at the girl with her, "How about you, maam?" "I would want the braised kurobuta pork belly, please." "Any side dishes?" "For us, creamed emmer would be fine." "Okay, drinks?" "A bottle of red wine and water." "Okay, one roasted beet salad and a braised kurobuta pork belly for the main course, a creamed emmer for the side dish and a bottle of red wine and water for drinks." paalis na sana ako nun nung may tinanong ulit sakin si "oras guy". "Can I ask you one thing, miss?" "What is it sir?" "Do you like me?" seryoso nyang sinabi yung mga salitang yun na syang ikinabigla ko pati nung girl na kasama nya. "Eh?! Sir?! What are you talking about?!" "Chad!" "Just answer me miss, do you like me?" he's looking directly in my eyes that got me uneasy. "I- I need to go sir, we have lots of customer to take care of. Sorry." at nagmadali na akong bumalik sa counter, pinasa ko yung order nila dun at nagtago ako sa staff room. "Sheeet. Ano yun?!!" /O___o\ /// KRINGG! KRINGG!! Tapos na rin ang klase. Ako ang huling lumabas ng classroom kasi ako ang na-assigned na taga linis ng classroom. Nagkaroon kasi ng botohan ng class officers, at ako ang napagkatuwaan nilang iboto bilang "class maintenance president". Err. Yeah, right. Oo na lang ako. Eto role ko bilang panget sa school ng magaganda at gwapo, isang hamak na invicible person. Nang matapos na akong maglinis, naglakad na ako sa hallway habang nasa kamay ko ang mga libro ko at nagsimula ng dumayo sa kalawakan ang aking isipan. Natatandaan ko, dito sa same hallway na 'to ko unang nameet si Chad at dito nya rin tinanong sakin kung anong oras na. Crush na crush ko talaga sya, ang gwapo nya kasi. Pero after that incident sa restaurant, hindi ko na nakita yung Chad. Ewan, masyado atang malaki ang campus para pagtagpuin ulit ang mga landas namin. Pero mabuti na itong ganto, sobrang hindi ko kasi makalimutan yung tinanong nya sakin sa restaurant. "Do you like me?" Bakit nya kaya tinanong yun? Siguro gawa rin nung sinagot ko sa kanya dati nung tinanong nya ako ng oras, masyado kasi akong naging obvious. Pero kasalanan ko ba kung sobrang gwapo nya? Kasalanan ko ba kung nalaglag ang panty ko sa kagwapuhang taglay nya? Pero dahil sa na-absorb na ako sa mga thoughts ko, hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako ng hallway at sa dulo ng hallway ay may three steps stairs. At dahil nga sa hindi ko namalayang may hagdan, nagdire diretso ako sa paglalakad dahilan para matapilok ako sa hagdan na yun at magplakta ang mukha ko sa may damuhan. Sa end ng hallway ay ang green ground ng school kung saan maraming benches at maraming studyanteng nakatambay lalo na ngayon na tapos na ang mga klase. Nakakahiya kasi nadapa ako sa isang open space at nakita kong madaming tao pero ang maganda dun, walang nakapansin sa pagkadapa ko. Lahat sila busy sa mga kani kanilang ginagawa, meron din naman akong nakitang nakatingin sakin pero hindi nila inaksaya ang oras nila sakin at inismid lang ako. Since panget ako, pagaaksayahan pa ba nila ako ng oras? Yun lang siguro advantages ko dito, walang may pakelam sakin dito. Walang papansin dito sakin kahit mangulangot ako anytime I want, wala silang pakelam sakin at hindi nila ako pagaaksayahang tignan o husgahan kahit isang segundo lang dahil nakatatak na sa isipan nila na isa akong hamak na panget na hindi mamalayan kung paano sa lupalop ng mundo ako nakapasok sa maganda nilang school. Isa akong invicible person. Ligtas na sana ako sa kahihiyan at taimtim na akong tumatayo at inaayos ang sarili ko kung hindi ko lang narinig ang isang mahinang tawa sa likod ko. "Hahaha! Panget na nga, lampa pa." napatingin ako sa likod ko para lang makita ang isang lalaking tumatawa, ang puti at pantay na pantay ang mga ngipin nya. Tapos ang pula pa ng mga labi nya at sobrang kissable. Then he has this prominent and broad cheekbones, developed brows, and chiseled jawlines that is awesomely super musculine. Ang puti at ang kinis ng mukha nya,there aren't any spot of pimples or blackheads. Ang tangos pa ng ilong niya! Ulam ito, yummy! "Kung iisa isahin mo sa utak mo ang physical attributes ko baka madefine mo ang salitang perfect. Sige, mauna na ako. May shooting pa ako para sa Bench. Sa susunod, stop drooling around when you're walking on the hallway para hindi ka magtagasa dyan at magmukhang malaking tanga." tumawa ulit sya at sabay nilagpasan na ako. Naiwan akong nakatulala dun. Foreign-ish ang itsura but with a fluent Tagalog accent. And wait, what the f---- did he just said? Ang yabang! Shet lang. ---- Dear Diary, Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na lang panget ako. -Eya PS. joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench. --- Diary ng Panget written by HaveYouSeenThisGirL property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com Entry // Two "Sige po, alis na ako." sabi ko habang inaayos ko na yung mga gamit ko sa staff room, tapos na kasi shift ko dito sa resto. "Mabuti pa nga, lumayas ka na." walang modong sabi sakin ng tita ko sabay abot sakin ng sweldo ko para sa gabing ito, "Oh eto pagkain mo." Inabot ko iyon ng may pasasalamat at umalis na. Naglalakad na ako pauwi sa bahay ko kung saan nadadaan palagi ako sa mismong plaza ng syudad namin, medyo nakakatakot na dito dahil alas 11 na ng gabi at pakalat kalat na ang mga adik, gangs, prostitutes, at kung anu ano pang mga taong hindi katiwa tiwala. Pero medyo sanay na rin ako since laging gantong oras naman natatapos ang trabaho ko at lagi kong tinatahak ang daan na 'to, kaya nga lagi akong may pepper spray sa bulsa ko bilang protection sa masasamang loob. Alam nyo yung twilight? Ginaya ko yung advice ng tatay ni Bella sa kanya, baka kasi effective yung pepper spray. There's no harm in trying naman diba? O sige, ang baduy ko talaga pero ano ba magagawa ko, free lang 'to dun sa supermarket nung bumili ako ng noodles eh. "Hahahaha! Nice one dude, that'll be awesome." mula sa hindi kalayuan, narinig ko ang grupo ng mga kalalakihan na nagtatawanan at naglalakad sa hindi ko alam kung saan papunta. "Pasindi nga, tol." narinig ko pang sabi nung isa. Hindi ko na sana sila papansinin kung hindi lang nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. Kung hindi ako nagkakamali, sya yun. Pero anong ginagawa ng isang tulad nya kasama ang mga taong mukhang mga sigang ewan? At sa gantong oras pa. Sabi nga nila mind your own business pero dahil nga isa akong pusang malaki ang kuryusidad sa katawan, patago ko syang sinundan at ang mga kasama nya. Naglalakad sila papunta sa isang maliit na eskinita na ngayon ko lang natahak, medyo kinakabahan ako sa ginagawa ko kasi sobrang tago na nitong lugar na narating namin. Tapos marami pang mga nakakatakot na tao dito, paano na lang kung manganib ako? Hindi ako makakahingi ng tulong kaagad sa gantong tagong lugar. Pero andito na ako, hindi na ako makakaatras, malayo layo na rin ang nalakad ko tsaka isa pa, baka sa pagbalik ko mas marami pa akong makasalubong na mapanganib na tao, I just better keep my profile low. Napansin kong tumigil sila sa tapat ng isang... CLUB?!!! "HUWAAAAT?!!" oh... sh!t. Did I just said that out loud? I got everyone's attention now. All eyes on me. Cold sweats falling. But the worst is... our eyes met, he looked at me, shook his head and turned away as if he doesn't recognize me. Like what was that?! Wait, okay. I know, pakelam niya pa ba sakin? I'm just his ugly invicible schoolmate, nothing more. "Hey cutie, want to enjoy the night with me?" I was caught off guard nang may bigla na lang malaking lalaking may bigoteng mukhang manyak na hindi naliligo ang umakbay sakin. "No, thank you." I said politely trying to remove his arm around me. "Dali na, kahit panget yang mukha mo pede ka ng pagtyagaan. Sexy naman yang katawan mo tsaka mukhang masarap yang unahan mo, pede ka ng hipon. Don't worry, I pay big. Kelangan ko lang pampalipas ng oras." tae ha. Anlakas nung insulto nya ah?!! Dahil sa inis ko, tinuhod ko ng malakas ang kanyang maselang bahagi na syang ikinapulupot nya sa kinatatayuan nya sa sobrang sakit, "Tangena mo kang panget ka!" "Behlat nga sayo! Bastos mo! Wala ka bang banyo sa inyo? Maligo ka nga, ang baho mo tsong." Tumalikod na ako para umalis na sana dahil ayaw ko ng sundan pa yung lalaking yun, mapapahamak lang ako sa kanya tsaka I should really just mind my own business. Pero nabigla na lang ako ng hinigit ako sa kamay nung lalaking tinuhod ko... "Sandali lang, hindi pa tayo tapos!" paglingon ko sa kanya, kita ko ang galit nyang mukha. Nanggagalaiti ang mga mata nito. Naramdaman ko rin ang mahigpit na hawak nya sa pulso ko na syang ikinatakot ko. "A-aray ko, nasasaktan ako. Bitawan mo ako." gusto kong humingi ng tulong pero sa lugar na katulad nito mukhang malabong makahingi ako ng tulong. "Iyak ka muna." sabay tawa ng malakas ng lalaking nasa harapan ko, gusto ko na nga sanang umiyak sa takot kung hindi sya dumating sa tabi namin. "Maaari mo ng bitawan ang girlfriend ko, alam mo yun?" "C-Chad..." nabigkas ko ang pangalan nya sa sobrang bigla ko. Akala ko kanina pagkakita nya sakin ay pinagwalang bahala nya na lang ako... pero hindi pala. Teka, g-girlfriend? O__O "Girlfriend mo?! Sino?! Itong panget na 'to?! Aba Chad, nagiiba na ata taste mo?!" huh? Kilala sya nitong bigote guy na hindi naliligo? Madalas ba dito si Chad? Madalas ba sya sa gantong klase ng lugar? Hindi ko ma-gets. Biglang hinigit ni Chad yung si bigote guy sa t-shirt nito, "Bago mo bitiwan ang salitang 'panget' siguraduhin mong nakita mo na ang sariling reflection mo sa salamin." Bawat salita nya ay matigas na animoy may pananakot sa bawat letrang binibitawan nya. Halos hindi ko sya nakilala sa hitsura nya, hindi yan ang maamo at nakangiting itsurang natatandaan ko nung tinanong nya sakin dati ang oras.

Description:
rent. Ang kulit naman ng landlord namin, sinabi ko na ngang hindi pa ako makakabayad .. Foreign-ish ang itsura but with a fluent Tagalog accent. ko, free lang 'to dun sa supermarket nung bumili ako ng noodles eh. "Maaari mo ng bitawan ang girlfriend ko, alam mo yun? .. C. O cookie monster?
See more

The list of books you might like

Most books are stored in the elastic cloud where traffic is expensive. For this reason, we have a limit on daily download.