©Prologue/Characters Bakit ganun? Ganito itsura ko, hindi naman masama, nerd ang tingin sakin ng iba pero andiyan pa rin siya para sakin. Lahat ginawa niya para sakin. Ipinagtatanggol at minamahal ako ng buo. Ang pagkakamali ko lang ay ang mas inuna ko ang insecurities ko kesa sa kanya. Andiyan na siya eh. Pinakawalan ko pa. But I’m going to do everything para maipagmalaki niya ko. I want her back this time. -D Hindi naman mahalaga sakin ang itsura ng tao. Lalo na kung hindi mo pa kakilala siya masyado. Mahalaga sakin ay ang makilala mo ang totong sarili niya, katulad nitong lalaking minahal ko ng sobra, nerd man siya sa paningin ng iba, para sakin siya ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Kaso pinairal niya ang pride niya. Iniwan niya ko dahil akala niya hindi totoo ang pagmamahal ko sa kanya. "Too good to be true kumbaga." –K Anung mangyayari kung magkita kami ulit? Babalik pa ba ang nararamdaman namin para sa isa’t isa? Characters: Kathryn Chandria Bernardo /CHACHEE/ Kath – campus princess/singer/part- time actress. Siya ang pinakamagandang babae sa kanilang school, kahit sa kanilang lugar. Sumikat siya, nadiscover siya at naging sikat na singer. May gigs minsan, minsan guestings sa T.V.. Almost perfect na nga siya eh, nasa kanya na lahat. Rich-beauty and talent. Pero never niyang ipinagmayabang yun. Super bait na anak, classmate, kaibigan at higit sa lahat mapagmahal. Daniel John Padilla / DEEJ / DJ – nerd turned heartthrob/band member/part-time actor Siya ang rumored boyfriend ng sikat na si Kath, mayaman din, mabait din, tahimik lang, studious at mahal na mahal si Kath. Sa sobrang pagmamahal niya kay Kath, mas pinili niyang hiwalayan ito dahil ayaw niya ng siya ang pinagtatanggol dahil siya ang lalaki. Hindi lang din siya makapaniwala na minahal siya ng isang sikat na babae. Julia Montes – one of the campus princess bestfriend ni Kath Siya ang bestfriend ng ating bida. Pero sa una lang siya mukhang nerd dahil sa sobrang bait ni Kath, tinulungan niya itong ma makeover, so one of the princess na siya sa school nila. Parang magkapatid na ang turingan nila ni Kath, halos hindi na nga naghihiwalay yung dalawa eh. Super bait din ni Julia, down-to- earth kaya nagkasundo agad sila ni Kath. Diego Bernardo – campus heartthrob/ loverboy Siya lang naman ang boyfriend ni Julia. Kahit nung bago pa lang maging princess din si Julia. Minahal niya na to ng sobra. Mabait siya lalo na sa kapatid niyang si Kath. Siya ang number one bodyguard nito. Super caring kay Julia at sa mga kaibigan nila. Support: Mommy Karla – mom ni Daniel Mommy Min – mom ni Kath Tito Eric - dad ni Kath Ate Kylie - kapatid ni Daniel Mommy Shiela – mom ni Julia Tito John – dad ni Daniel Friends (Hindi lahat mamemention dito, yung iba lalabas na lang bigla sa ibang chapters) Neil Coleta Kiray Celis EJ Jallorina Alyssa A/N: My mission is just to give kilig moments for Kathniel. This is just a Fan Fiction, Names, are fully borrowed, they may sometime portray attitudes that are really not them. Purely Fiction, galing lang lahat sa imahinasyon ko. :) CHAPTER 1 – Teaser =DJ’s POV= .FLASHBACK. “Chachee, bakit ako pa?” tanong ko sa kanya. I call her Chachee from her name Chandria. “DEEJ, ayan ka na naman ha. Kelangan pa ba ng full explanation para malaman mo kung bakit kita mahal?" Sabi niya sakin. DEEJ ang tawag niya sakin, tamad niyang banggitin yung dalawang letter ng name ko na D-J eh. Kaya deretso niyang i-pronounce. DEEJ. Tapos ngiti. Ang ngiti na ni minsan hindi nabura sa isip ko. “Hindi na po, pero hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na ang sikat ang girlfriend ko. Tapos ako nerd.” Totoo naman kasi parang malabo talaga kung iisipin mo. “Naman o, hindi ka nerd. Matalino ka. Inggit lang ang mga taong tumatawag sayo ng ganun. Pwede po ba, wag na masyado ibaba ang sarili mo? Pantay pantay lang ang tao. Hindi lang marunong ang ibang tao na kumilala sa totoong pagkatao.” Kaya ko mahal to eh.Napakabait. Kahit kanino. Hindi nga pumapatol sa mga away to eh. Ibang klase talaga siya. “Alam mo ikaw, kahit sikat at napakayaman mo, bakit napakabait mo pa rin?” pagpuri ko sa kanya, totoo naman. “Sus, hindi naman kasi nasusukat yun dun. Kaya ikaw pwede tama na pagpuri saken, baka lumaki na ulo ko masyado nyan. Hahaha.” Pagbibiro niya sakin. “Humble pa ee. Totoo naman. Pero sige na. titigil na po.” Sabi ko. “I love you DEEJ.” Paglalambing niya sakin. I love it when she says that. “Totoo?” tinanong ko. “Oo naman. Hindi ka pa rin ba maniniwala?” malungkot na tanong niya. “Konting pilit pa.” sabi ko. Baka matauhan siya eh. Haha. “Tsss. Nevermind na lang.” tampo na. Hahaha. “Eeeee. Tampo na yan. I love you too. Chachee ko.” sagot ko sa kanya sabay ngiti. .END OF FLASHBACK. “Huy Anu ba!? Naiisip mo na naman si Kath??” Si ate Kylie yan, sinisira ang moment ko. Kapatid ko yan, siya ang nagturo sakin na mag-ayos. Kaya from a nerd. Super cool na ng itsura ko ngayon. Hindi naman sa pagyayabang pero totoo. Ibang iba na talaga itsura ko ngayon. “Panira ka ng moment jan talaga lage.” Sabi ko. “Anu ba kasing iniisip mo jan?” sabi niya. Tapos smile. “Wala ka na don. Kung gusto ko sabihin edi sana kinwento ko na lang sayo, hindi ko na inisip.”Pagtataray kong sabi. “Sungit!, Tumayo ka na jan, may TV guesting ka ngayon diba. Baka malate pa tayo.” Manager ko nga rin pala si ate. Simula kasi nung naiba na ayos ko, nadiscover ako, may banda ako ngayon (P5) at minsan actor din. “Ate, wala bang pahinga? Gusto ko na ipagpatuloy yung naputol kong college.” Nag-stop kasi ako ng isang sem, pano nagsabay sabay yung sked ko sa tapings and gigs. Buti nga di pa ko namamatay eh. “O sige, gagawa ako ng paraan. Makikiusap ako na bawasan yang guestings mo. Para maayos ang sked at makapasok ka na this sem.” Sabi niya na ikinatuwa ko naman. “Salamat ate, balitaan mo ko ha. Tara alis na tayo.” Sabi ko baka malate kasi kami sa station. Kami na nga lang pala ni Ate ang andito sa Manila, ang parents namen both nasa States. Trabaho. Malalaki na daw kami kaya hinahayaan na nila kami dito. Hindi naman sila masamang magulang para samin kasi hindi naman sila nagkulang sa pangaral samin. Nung lumaki na lang kami tsaka sila umalis. Ok naman kami ni ate eh. Kaya naman naming dalawa. After ng guesting pala, lilipat na kami ng bahay ni ate sa isang subdivision, sa condo lang kasi kami ngayon. Wala lang share ko lang. =Kath’s POV= .FLASHBACK. “I’m sorry but I have to do this.” Sabi niya sakin na super serious na mukha. “Why are you breaking up with me DEEJ!?” tinanong ko, habang umiiyak na ko ng sobra” “Hindi ako ang nararapat sayo, tingnan mo ko, tingnan mo sarili mo, nahihiya na ko sa sobrang pagtatanggol mo sakin sa mga tao. Na dapat ako ang gumagawa non. Pero eto tatandaan mo, mahal kita at hindi magbabago yun. Babalik ako pag karapatpat dapat na ko sayo. Mahal na mahal kita Chachee.” Sinabi niya saken, bawat salita parang may tumutusok sa puso ko sa sakit. “Bakit ba kasi ganyan ang tingin mo sa sarili mo? Mahal kita kahit ano pang itsura mo. At hindi naman yun ang minahal ko sayo. Kundi ang buong pagkatao mo. Hindi talaga kita maintindihan.” Sagot ko sa kanya dahil sobra na talaga ang maling pagtingin niya sa sarili niya. “I’m sorry, But this is it. I have to go. And for the last time, I love you Kath.” And he left me crying. .END OF FLASHBACK. “Earth to Kath, Hello!??” si Julia habang iwinawagayway ang kamay niya sa mukha ko. Tulala na naman ako. “Uy bes, Bakit?” tanong ko sa kanya. “Anong bakit? Tulala ka na naman jan, Ano bang iniisip mo? Or sino ba? “ evil smile pa siya eh. Nang-aasar pa.
Description: