ebook img

Charm Academy: School of Magic by april_avery She is Ariela Davis, an ordinary girl with an PDF

340 Pages·2016·1 MB·English
by  
Save to my drive
Quick download
Download
Most books are stored in the elastic cloud where traffic is expensive. For this reason, we have a limit on daily download.

Preview Charm Academy: School of Magic by april_avery She is Ariela Davis, an ordinary girl with an

Charm Academy: School of Magic by april_avery She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is about magic, adventure, fantasy and romance. Welcome to CHARM ACADEMY: SCHOOL OF MAGIC. Where every charm is power. Written by: april_avery COMPLETED 11/09/13 to 10/03/14 All Rights Reserved 2014 Trailer made by COLILAY ================= Charm Academy: Prologue Prologue: Sabi nila may kapangyarihan daw ako. Tinatawag nila iyon na Charm. Teka, hindi yung Charm na charisma. Charm as in magic powers. Weird right? And very creepy. Hindi ko alam na mayroon akong ganoong powers hangang sa pumasok ako sa isang odd school. Isang school para sa mga henyo at mayayaman. Isang school na mas malaki pa sa bayan namin. Isang school na may sariling hospital at market sa loob ng campus. Isang school na pinaliligiran ng matataas na pader. Nakakatakot ano? Yun talaga ang unang naramdaman ko. Sabi nila special ako, na special ang school na yun. Sabi nila I will fit in. Nga ba? Welcome to Charm Academy: School of magic. Where every Charm is power. *** Author's Note: This story is inspired by the anime Gakuen Alice and written by a Potterhead. COMPLETED STORY. Thank you all so much sa mga nagbasa at magbabasa palang. Panoorin ang video sa side made by awesome Coleen! Enjoy reading!@april_avery -- Tweet me: avery_WPOfficial hashtag: #CharmAcademy ================= Chapter 1: What's Your Charm? Chapter 1: What's Your Charm? Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Grandma buong byahe. Sobra na akong bored. Ilang oras na ba kaming nasa daan? Hindi ba talaga kami naliligaw? Puro puno nalang kasi ang nakikita ko kanina pa. Don't tell me na sa gitna ng gubat ang school na papasukan ko? "Grandma, sure ba kayo sa dinadaanan natin?" tanong ko for the nth time. "Ariela apo, malapit na tayo. Hwag kang masyadong mainip," nakangiting sagot niya mula sa rearview mirror. "That's what you said an hour ago." "Apo trusts me, dati akong nagtuturo dito. I know the place like the back of my hand." "But that's thirteen years ago." "Twelve years, apo. I'm only 62," pagtatama niya. I heaved a dramatic sigh. "Kayo naman kasi eh. Bakit kailangan niyo pa akong ilipat? I'm okay with my former school," I muttered. Hangang ngayon kasi hindi parin malinaw sa akin ang dahilan kung bakit kailangan kong lumipat ng school sa gitna ng senior year. As far as I know, wala akong naging problema sa dati kong school. Hindi ako bully at mas lalong hindi ako pasaway. Actually, people at school didn't even notice my presence. I'm one of the outcasts and I'm fine with that. I don't need attention. It's just making me awkward. Isa lang naman ang alam kong dahilan para ilipat ako ni Grandma. Dahil siguro ito sa nangyari noong gabing yun. Mula kasi noong namantay si Dad at Mom sa isang car accident ten years ago si Grandma na ang nag alaga sa akin at naging kasama ko sa bahay. Noong gabing yun malakas ang ulan at mahimbing ang tulog ko sa kwarto. Pero bigla nalang akong nagising nang maramdaman ko na may ibang tao sa loob ng bahay maliban sa amin ni Grandma. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka magnanakaw. Kaya naman lumabas agad ako ng kwarto para gisingin si Grandma. Nasa hallway na ako noong nangyari yun. Someone grabbed me and in that exact moment everything froze. Huminto ang oras, ang paghinga ko, maging ang tunog ng ulan sa labas. Seconds later I lay on the floor unconscious. Hindi ko alam kung anong nangyari. Akala ko patay na ako noon. Wala akong ibang maramdaman. Para bang nakakulong ako sa isang masikip na lugar at hindi makahinga. The next thing I knew ginigising na ako ni Grandma. Mukhang pagod na pagod siya at sobrang nagaalala. Kinabukasan sinabi ni Grandma na lilipat na ako ng school. Sa school kung saan dati siyang nagtuturo. Hangang ngayon kapag naaalala ko ang gabing yun kinikilabutan parin ako. Sino naman ang magtatangkang kumuha sa akin? We are not even rich. "Nandito na tayo, Ariela." Mabilis akong sumilip sa labas nang sabihin yun ni Grandma. Isang malaking gate ang una kong nakita. Isang silver gate na sobrang taas. Kasing taas ito ng brick wall na nakapaligid dito. And the wall stretched for miles sa magkabilang dulo ng daan. Wow. School ba talaga ito o mansion? Sinilip ko ang loob ng gate pero wala akong makita kundi isang derechong daan papasok. Sa gilid nito ay nakalinya ang mga puno sa berde at malawak na damuhan. Bumukas ang gate nang hindi ko namamalayan. Do they even have guards here? Habang papasok kami sa school may naramdaman akong kakaiba. Para bang pumasok kami sa isang portal. Pero wala naman akong nakitang kakaiba sa daan. The atmosphere inside the school is scary but at the same time very enchanting. "Charm Academy," basa ko sa pangalan ng school. This place is so beautiful that I don't even know if it's real. Parang nangaling sa fairytale picture book ang lahat. Mula sa malaking fountain na nagbubuga ng crystal clear na tubig, sa brick wall building na nasa harap namin at pinaliligiran ng mga hanging plants, sa malawak na lawn, sa mga halaman na maayos na naka trimmed sa maze garden, at sa maraming puno. Lahat breathtaking! Huminto ang sasakyan sa harap ng main building. Bumaba si Grandma at sumunod ako. Agad kaming binati ng isang may edad na lalakeng mukhang err... butler? "Mrs. Margarette Davis, kanina pa kayo hinihintay ni Principal Willford. Sumunod po kayo sa akin." Agad naglakad ang butler papasok sa building at sumunod kami ni Grandma. Pagkapasok ko, nalula ako sa lugar. Magara at mukhang mamahalin ang mga gamit. Isa pang nakapagpahanga sa akin ay ang malaking chandelier sa taas. Sigurado ba si Grandma na isang school itong napasukan namin? Habang naglalakad may ilang tao kaming nakasalubong. But they are not even smiling. Para bang may sarili silang mundo. Titingnan lamang kami na para bang nagtataka kung sino kami at bakit kami nandito at pagkatapos ay babalik din sa kani kanilang ginagawa. "Naghihintay na po si Principal Willford sa loob," sabi ng butler at binuksan ang isang malaking double door sa dulo ng hallway. Pumasok kami doon at ang una kong napansin ay ang malaking kabuuan ng kwarto. Para itong isang library. Puno ng libro at mga luma pero mamahaling mga gamit. Tinatakpan ng makakapal na kurtina ang malalaking salaming bintana na umaabot hangang kisame. May sofa sa kabilang sulok, fire place, at sa pinakagitna ay isang mesa na gawa sa kahoy. "Senior Marga, it's nice to see you again." Napalingon kami sa babaeng nakatayo sa tapat ng glass window. For the first time may isang taong bumati sa amin nang nakangiti. Her radiant smile seems to lighten up the dark place. "Principal Serena Willford, it's been a long time." Napakaganda niya. I wonder kung ilang taon na siya. Honestly I was expecting to meet an old person. Hindi ko inaasahan na isang babaeng nasa middle twenties ang makikita ko. "Siya na ba ang apo niyo, Senior? Napakalaki na niya." Nakangiting pinagmasdan ako ni Miss Serena. All of a sudden I became conscious. Bakit ganyan siya makatingin? "I thought hindi na darating ang araw na ito. I'm glad you've decided na dito na ipasok ang apo niyo." "Serena, madami na ang nangyari," sagot ni Grandma. Maya maya pa pumalakpak si Miss Serena na ikinagulat ko. "So, welcome to Charm Academy, Ariela! I'm sure magugustuhan mo dito. Now, can I see your charm?" Napalitan ang gulat ko ng pagtataka. What charm? "Wala po akong charm bracelet," sagot ko though hindi ko alam kung para saan ito. Nagkatinginan si Grandma at Miss Serena. Weird pero mukha silang naguusap nang wala namang lumalabas na salita sa mga bibig nila. "So, wala pa siyang alam." "Unfortunately, yes, Serena." "Even the type?" "Maging ako hindi ko alam." Okay. This is getting really creepy. Ano ba talagang nangyayari? Finally, hinarap na nila ako. Ang nagaalalang mukha ni Miss Serena ay naging seryoso. "Ariela, wala ka bang nararamdaman na kakaiba sa katawan mo? Like an urge to do something. Do you hear things, see things, or control things?" Gusto kong matawa sa tanong ni Miss Serena pero hindi ko magawa. She looks so serious. Gusto kong sagutin ng maayos ang tanong niya pero wala talaga akong maisip. Wala akong kakaibang nararamdaman at mas lalong wala akong nakikitang kung ano ano. "Charms are magic powers Ariela, like mind reading, teleportation, creating illusion, fire or other elemental powers." Napalingon ako kay Grandma. Seriously, magic powers? Ano ito Harry Potter? Fairy Tail? Witch craft? "Sorry?" I asked. Pinag ti-tripan ba nila ako? "Hindi po ako naniniwala sa mga ganung bagay." "Dahil tinago ko ito sayo ng mahabang panahon, apo." Doon ako natigilan. My eyes widen as I faced Grandma. "Grandma, hwag mong sabihing seryoso ito?" I exclaimed. She smiled knowingly. A smile that hides a million secret. "That would be an issue," Miss Serena said. "You have a charm and that's evident. I'm sure mailalabas mo din ito in due time." "I hope so," tanging nasabi ko. "Excuse me. Kailangan ko lang kausapin si Grandma." Marahan kong hinila si Grandma sa sulok ng kwarto na malayo kay Miss Serena. Tiningnan kami ni Miss Serena with her patient smile. Ano ba itong napasukan ko? "Grandma, seriously, hindi mo ako pwedeng iwan sa lugar na ito." This whole magic thing is not even funny. Grandma can't leave me here. Kinuha ni Grandma ang kamay ko at iniharap ako sa bintana kung saan kita ang halos kabuuan ng school campus. "I told you, Ariela. It's where you belong." "Pero " — "Ariela, kailangan mong manatili dito. They will protect you here." "Protect me from what?" Halos naluluha na ako. This is not happening! "Malalaman mo din, apo, in the right time. For now you have to stay here. Promise me you will stay." Hindi ko alam ang isasagot. This is far from what I expected. I don't even believe in magic. Ang pumasok pa kaya sa school na nagtuturo kung paano ito gamitin? Noong mga oras na yun hindi ko alam na ang magiging sagot ko ang magbabago ng lahat ng tungkol sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha ni Grandma. "Okay, Grandma." Bumuntong hininga ako. "Pangako." Niyakap ako ni Grandma ng mahigpit. "Good." "Pero paano ka Grandma? Where will you stay?" nag aalalang tanong ko. "Don't worry. I can handle myself, apo. Babalik ako dito kapag naayos ko na ang lahat." She kissed my forehead before letting go. "Good luck, apo."

Description:
Maging si Collin nag iiba kapag training. Yung good boy look niya naglalaho and he too fuss about it. After all maybe it's just his way of being too
See more

The list of books you might like

Most books are stored in the elastic cloud where traffic is expensive. For this reason, we have a limit on daily download.