ebook img

BOOK NAME PDF

173 Pages·2016·0.74 MB·Tagalog
by  
Save to my drive
Quick download
Download
Most books are stored in the elastic cloud where traffic is expensive. For this reason, we have a limit on daily download.

Preview BOOK NAME

Academy Of Witchcraft And Wizardry.txt Download Share Add to my account ---------------BOOK DETAILS---------------- [BOOK NAME] Academy of Witchcraft and Wizardry [TOTALPARTS] 15 ------------------------------------------- [ BOOK DESCRIPTION ] -------------------------------------------- Naisip mo ba na, isang araw maari ka ring pumasok sa kakaibang school at maging kakaibang estudyante? Hindi po ito Harry Potter ni JK Rowling. Though may pagkakatulad sila. Just read na lang po ang story, sana ma enjoy nyo!!! ------------------------------------------- ******************************************* [1] Chapter 1: Section Fire Phoenix ******************************************* "OMGI!!!" Nakanganga kami ng bbf ko, habang nakatingin sa napakalaki at mataas na gate. Bumukas ito at nakikita namin ngayon ang kaninang nasa likod ng gate. Pumasok kami sa loob, ang daming estudyante. Mga naka robe ng itim, katulad ng suot namin. 'Oo nga pala, ito nga pala ang uniform dito.' May mga kasing edad namin, meron ding masmatanda sa amin. Maganda ang school sa totoo lang, walang sinabi ang lawak ng Ateneo at La Salle. Mukhang luma ang mga building pero sa mukha lang talaga. "Oceane... astig talaga ang lugar na ito." sabi ng bbf ko (O-si-yan po ang tamang pronounce ng name) Hindi ako nagsalita, kasi talagang nakakamangha ang lugar na ito. Krriiing... Tumunog ang bell, sumunod may nagsalita. Naririnig namin yun kahit sobrang lawak ng school. "Welcome back students! Welcome new comers! Ang klase ay magsisimula sa loob ng 10 minuto. Kung maari ay hanapin ang inyong mga Section at pumila ng maayos papasok sa inyong mga silid." "Ha? Ano daw Jacob?" tanong ko "Ewan ko nga din, saan ba makikita yun section natin?" "Hi! First years?" Tumango kami ni Jacob. "Patingin ng mga mark nyo." Ipinakita namin ang mga mark sa palad namin. "Sa Earth Lion Section ka." sabi ng lalaki kay Jacob "Earth Lion?" "Oo. Dun sa East building ang Section nyo." "Ako? Pareho ba kami ng section?" tanong ko naman "Ikaw, sasama ka sa akin. Magkasection tayo." "Ha? Bakit ganun? Bakit magkaiba kami?" tanong ko Tumingin ito sa relo nya. "Bro pumunta ka na sa building nyo, malapit na magsimula ang klase." "Oceane, kita na lang tayo mamaya." sabi ni Jacob "Tara na.." Sabay kaming naglakad. Tahimik lang ako nagmamasasid sa paligid. Talagang namamangha ako sa ganda ng school na ito. Isa itong malawak na paraiso na may apat na building. Huminto sa paglalakad ang lalaki. Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko napansin na sobrang gwapo pala nya. Makalaglag panty talaga. Mas cute siya at hamak na mas gwapo kay Mario Maurer. (oh diba) "Dito ang room ng mga first years.." Ngumiti ito. "G------ganun ba? S-----salamat!" "Sige.." Inihatid ko siya ng tingin, gang mawala siya sa corridor. Sumilip ako sa room. Konti lang kami. Pumasok ako at naupo sa dulo. Ilang sandali pa dumating na ang teacher namin. "Good day First year.." nakangiting bati nito "Good day!" sagot naman namin "I'm Aleara, i will be your professor for Spells. You can call me Prof Eara." Matapos nya magpakilala, kami naman ang nagpakilala sa mga sarili namin. Alam mo na tipikal na pagpapakilala pag unang araw ng school year. "Good day everyone, i'm Zaiden Alfiro, pure blood, 15 years old." Tumahimik ang lahat ng siya ang nagsasalita. Parang may dumaang anghel sa sobrang katahimikan. "It's your turn.." Nakatingin ang prof sa akin. Ako na ang last kasi. Tumayo ako. Kinakabahan ako, pero nagawa kong ngumiti. "I'm Oceane Louis Gyresky. 15 years old." Yun lang sinabi ko naupo na ako kagad. Hindi ako sanay na nakitingin lahat sa akin. "I'm hoping na maging magkakasundo kayo. 15 lang kayong first year para sa Section Phoenix." Isang classmate ko ang nagtaas ng kamay. "Yes?" "Prof pano po nalalaman kung saang section ang bawat estudyante?" Tama yan. Itatanong ko pa sana yan. Hindi ako sanay na hindi ko kaklase si Jacob. "Ang mga mark nyo ang magsasabi kung saang section kayo nabibilang." 'Ah kaya pala tingnan nun lalaki kanina ang mga mark namin.' "At ang mga mark naman ay base sa nakuha nyong grades nun nag exam kayo." 'Exam? Anong exam?' "Sa mga chosen from mortal world, ang form na pinilapan nyo ang pinaka entrance exam nyo." 'Ah kaya pala..' Kwentuhan lang ginawa namin sa subject ni Prof Eara. KRRRRIIING... Tumunog ang bell. Lilipat kami ng ibang room. "Aray!" Nauntog ako sa pader. Nabangga kasi ako. "Uy sorry!" Napatingin ako. Si Zaiden "Nasaktan ka ba?" "Malamang, umaray ako diba?" Tumawa ito. 'Cute pala nito' "Nakakatawa talaga kayong mga taga ibang mundo..." Tumaas ang kilay ko. "Next time wag ka nakatunganga.." pagkasabi nun umalis na ito. (Zaiden POV) Yes, i'm Zaiden Alfiro. Pure blood ako, alam mo na, parehong wizard at witch ang mga ninuno ko. First day sa school as student. Isa sa supporter ng school ang family ko. Dito din nag aral ang kuya ko, si Justin Alfiro. "Zaiden Alfiro... kamusta bro?" "Ayos lang.." "Oceane... astig talaga ng lugar na ito." Napalingon ako sa nagsalita. 'Obvious from mortal world ang lalaking ito.' Napansin ko kaagad ang babaeng katabi nito. 'Ang ganda nya...' "Ha? Ano daw Jacob?" tanong nito "Tim iassist mo naman sila. Bago ata dito sa school." sabi ko sa kaibigan ko "Ewan ko nga din, san ba makikita section natin?" Nilapitan sila ng kaibigan ko. Nakatitig lang ako sa magandang babae na yun. Para bang ang lahat ay slow motion, bawat galaw nya, kisap ng maganda nyang mata. Grabe, love at first sight ba ito? Krrriinggg... Tumunog na ang bell. "Zaiden Alfiro, gusto kong magpasalamat sa iyong Ama. Malaking halaga ang idinoneyt nya dito sa school." "Sige po, makakarating po kay Papa ang pasasalamat nyo." "Sige na, pumasok ka na sa klase mo. Good luck hijo." "Salamat Principal!" Pagkasabi ko nun, mabilis ako umeskapo. Badtrip talaga si Principal wrong timing. Late na ako sa unang klase, tapos di ko pa alam kung saan section si Ms. Beautiful. Kabad trip talaga. Nagulat ako pagpasok ko sa room. Unang nakita ng mga mata ko si Ms. Beautiful. 'Lalapitan ko siya.' Bad trip talaga ang araw na ito. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya saka pa dumating ang Prof. Boring na pagpapakilala ng prof, tapos kami naman. Si Prof Aleara ang Prof namin sa Spell. Mukha naman siyang ok. Sabi ni Kuya, pinakamabait na prof si Prof Aleara. Kami naman ang nagpakilala, gang sa turn ko na. Tumahimik ang lahat nun tumayo ako. Napasulyap muna ako kay Ms. Beautiful, nakatingin siya sa akin. As expecting isa isa kaming nagpakilala. Hanggang si Ms. Beautiful na ang nagpakilala sa amin. After nya magpakilala, wala na nganga na ako talaga sa kanya. Sobrang ganda nya talaga. Angelic face, makinis, maputi. Hindi mataba, di rin payat. Tama lang para sa height nya. Siguro nasa 5'6" ang taas nya. Ang dami nilang pinag uusapan, tungkol sa mark. Alam ko na yun, di ko na kailangan makinig pa. Kkkrrriiinnnggg... Tumunog na ang bell. Time na lumipat ng room for another subject. 'Moment ko na ito, kakausapin ko na siya.' Shit, bad trip. "Aray!" Nabangga ko siya. Napatid kasi ako sa upuan. Nauntog siya sa pader. "Uy sorry!" sabi ko na lang Tumingin siya sa akin. Mukhang galit. "Nasaktan ka ba?" "Malamang, umaray ako diba?" Natawa ako sa itsura nya. "Nakakatawa talaga kayong mga taga ibang mundo. Next time wag ka nakatunganga.." Nakita kong tumaas ang kilay nya kaya mabilis ako umalis. Mali ang first meeting namin. Babawi na lang ako. (Oceane's POV) Hawak ko pa rin ang noo ko. Sobrang sakit kasi ng pagkaka untog ko kanina. Nabasag ata ang bungo ko. Isang malaking garden ang pinasukan namin. Next subject kasi Herbal Studies. "Hello everyone, I'm Prof Laryn." "Hello Prof Laryn." sabay sabay naming sabi. "Ang subject na ituturo ko ay tungkol sa mga Herbal Medicine." 'Pansin ko nga, dito nga kami sa garden diba.' "Hindi lang tungkol sa magic ang itinuturo ng school na ito. Isa na dito ang Herbal Studies." Napansin ko panay ang tingin ni Zaiden sa akin. Nagsesenyas ito, di ko naman maintindihan. Itinuturo niya ang noo nya. "Oceane!" Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko. "Ma'am!" dahan dahan kong itinaas ang kamay ko "There you are, from mortal world ka hindi ba?" "Opo." "Ang mga herbal ba ay tinatangkilik pa ng mga katulad mo?" "Opo, marami pa din pong naniniwala sa herbal medicine." "Good to know that, dahil dito sa mundo namin, herbal ang ginagamit namin sa lahat ng klase ng sakit. So everyone..." Nakalimutan ko, ako nga palang ang taga "mortal world" dito sa section namin. Lahat ng classmate ko pure blood. Tulad ng naunang subject kwentuhan lang ang ginawa namin gang maubos ang oras. Kkrring... Another subject, means another lipat. Naglalakad na kami papunta sa library. Nagpahuli talaga ako, para di ako maligaw. "Oceane.." Napatingin ako. Si Zaiden. "O-ce-ane! not Oceane." pagko correct ko sa pagpronounce nya ng name ko. "O-ce-ane..masakit pa ba noo mo? Sorry kanina ha!" 'Ang cute naman nitong magsorry.' "Medyo. Sana wag na maulit." seryoso kong sabi. "May mga gamit ka na ba?" tanong nito "Gamit saan?" maang kong tanong "Hindi mo ba nabasa ang mga requirements?" "Ay shit oo nga pala.." Hindi ko pa pala nabasa ang requirements. "Kung gusto mo sabay na tayo bumili ng gamit, wala pa din kasi ako." nakangiting sabi nito "Hindi na, kami na lang ni Jacob ang bibili." Kumunot ang noo nito. Pero di ko na yun pinansin. Namangha na kasi ako sa nakikita ko. Grabe, ang taas ng bookshelves at punong puno ito ng mga libro. Tapos, maluwang ang gitna nito. Alam mo yung, walang tables and chairs. Sa sahig kami mauupo. Cool! Tumabi sa akin si Zaiden. "Good day class! I'm Corvan your History professor." Tulad ng 2 nauna, kwentuhan, pagpapakilala... booooring. Si Prof Eara, maganda pa din kahit matanda na. Elegante kung kumilos. Si Prof Laryn naman, payat na matangkad. As in payat, kasing taba siya ni Kim Chui. Magkasin taba mga buto nila. ^__^ Si Prof Corvan, parang yung matandang nakacostume sa Enchanted Kingdom, yung naka asul na damit, yun logo ng EK. Gets nyo ba? Nisasabi ko? Kasin taas din nya, ^____^ mga between 3 to 4ft ang taas nito. Matanda na din, pero mas maikli ang balbas ni prof. Krrrring... Kasunod nito ang paging "Sa mga estudyante, meron kayong 1 oras na lunch break. Bawal lumabas ng school hanggat hindi pa tapos ang klase. Ang mga kalat ay ilagay sa tamang lagayan. Bawal din ang mag ingay sa hallway at sa corridor." Lumabas ako ng library, kabuntot ko si Zaiden. "Sabay na tayo maglunch O-ce-ane.." "Pwede ba ipronounce mo ng maayos ang name ko. Atsaka may kasabay na ako maglunch." "Ok sige, see you later." umalis ito pagkasabi nun Naglakad ako ng naglakad gang makarating sa dining room. "OCEANE.." Napatingin ako sa tumatakbong lalaki. "Jacob.." Agad ko siyang niyakap, sandali lang yon mga 5sec lang. Baka ma PDA pa kami dito, tsismis yon *~* "Oh bakit?" alala nitong tanong "Wala! Namiss lang kita. Di kasi ako sanay na di kita kaklase." "Tara na muna kumain.." Pumasok kami sa dining room. Nganga na naman kami ni Jacob sa laki ng dining room, mahabang mahaba ang lamesa, 2 bus ata katumbas nun, at ang nagpatulo laway talaga sa amin ang dami ng pagkain na nakahain sa mahabang mahabang table. May Apat na mahabang mahabang table, bawat table sa bawat section. Table 1: Fire Phoenix table, sa unahan ang first year, sumunod ang 2nd year, tapos 3rd year tapos 4th year. Table 2: Water Dragon, ganun din ang ayos ng upuan ng mga estudyante Table 3: Wind Eagle, same seating arrangement Table 4: Earth Lion, same seating arragement "Magkaiba pala tayo ng upuan Jacob." malungkot kong sabi "Oo nga eh." Eto dito ako unahan," 'Exam? Anong exam?' "Sa mga chosen from mortal world, ang form na pinilapan nyo ang pinaka entrance exam nyo." 'Ah kaya pala..' Kwentuhan lang ginawa namin sa subject ni Prof Eara. KRRRRIIING... Tumunog ang bell. Lilipat kami ng ibang room. "Aray!" Nauntog ako sa pader. Nabangga kasi ako. "Uy sorry!" Napatingin ako. Si Zaiden "Nasaktan ka ba?" "Malamang, umaray ako diba?" Tumawa ito. 'Cute pala nito' "Nakakatawa talaga kayong mga taga ibang mundo..." Tumaas ang kilay ko. "Next time wag ka nakatunganga.." pagkasabi nun umalis na ito. (Zaiden POV) Yes, i'm Zaiden Alfiro. Pure blood ako, alam mo na, parehong wizard at witch ang mga ninuno ko. First day sa school as student. Isa sa supporter ng school ang family ko. Dito din nag aral ang kuya ko, si Justin Alfiro. "Zaiden Alfiro... kamusta bro?" "Ayos lang.." "Oceane... astig talaga ng lugar na ito." Napalingon ako sa nagsalita. 'Obvious from mortal world ang lalaking ito.' Napansin ko kaagad ang babaeng katabi nito. 'Ang ganda nya...' "Ha? Ano daw Jacob?" tanong nito "Tim iassist mo naman sila. Bago ata dito sa school." sabi ko sa kaibigan ko "Ewan ko nga din, san ba makikita section natin?" Nilapitan sila ng kaibigan ko. Nakatitig lang ako sa magandang babae na yun.

Description:
Academy Of Witchcraft And Wizardry.txt . si Jacob. "Ang mga mark nyo ang magsasabi kung saang section kayo witch ang mga ninuno ko.
See more

The list of books you might like

Most books are stored in the elastic cloud where traffic is expensive. For this reason, we have a limit on daily download.